Akala ko nagkabalikan sila... hindi na pala.
May closure na ang relasyon nila, pero hindi naman malinaw if break-ip nga ba or cool off lang. Magulo, sa mga kwento niya, parang puzzle ko itong inayos sa utak ko, pero kulang parin para maintindihan ko. May itinatago siya sa akin.
First time ko siyang makitang ganun nasaktan. Hindi ko alam kung papaano ako makakatulong, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang akbayan! Pero I have my boundaries, friend niya ako pero lalaki pa rin ako, para siyang apoy na hindi ko pwedeng hawakan. Gustong gusto ko siyang yakapin, gusto ko talagang tulungan siyang ibasan ang sakit, gusto kong kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya para makangiti siya ulit, ngiti na walang halong lungkot sa mga mata niya.
Hihintayin kong maghilom ng tuluyan ang sugat, hihintayin kong lumakas siyang muli para harapin ang bukas, hihintayin kong handa na siya para ngumiti muli nang walang halong lungkot, hihintayin ko siya hanggang sa dulo, hanggang buhay ako.
Andito ako para suportahan siya, para alalayan siya. Ito ang mga panahong mahina siya, mga panahong mahina siya. Para itong gera, pareho kaming sundalo, injured siya, kailangan ko siyang icover para mabuhay. Hindi ako ang perpektong tao para ibigay sa kanya ang mga balikat ko, hindi ako ang perpektong tayo para makinig sa mga hinaing niya, hindi ako ang tao para bigyan siya ng advice, pero ako ang magiging lakas niya. Ibibigay ko ang lakas ko para maharap niya ang bawat bukas, pupunasan ko ang mga luha niya, gagamutin ang bawat sugat para maibsan ang sakit, at alam kong hindi mawawala ang pilat na dulot nito... pero nandito ako para pahiran yun ng Cebo de Macho!♥
0 comments:
Post a Comment