Gabi-gabi, pag lumalabas ako ng bahay, tumitingala ako. Gustong gusto kong tignan ang langit sa gabi, ganun din sa umaga... gusto kong titigan ang mga ulap sa umaga, parang mga bulak, parang ang sarap nilang hawakan, parang ang sarap nilang higaan.
Pero sa edad kong kinse, hindi ko parin maipaliwanag ang nararamdaman ko sa gabi tuwing nakikita kong puno ng bituin ang langit. Masarap silang pagmasdan, kausapin, at sa tuwing nakakakita ako ng falling star, humuhiling ako, "sana mahalin niya rin ako" o kaya "sana magkalakas na ako ng loob na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko." Nakakamangha talaga ang ganda ng langit sa gabi, lalo na kung bilog ang buwan at puno ng bituin ang langit. Stars are always there, up in the sky, listening to whatever story I say.
I tried to take a picture of the stars, but I failed. Itim lang ang nasa camera. I wasn't able to capture it's beauty. Sayang naman, I need a different cam para makapture lang ang beauty nito. Humiram ako ng camera, nakuhanan ko rin sa wakas, pero, nalungkot ako, nakuha ko nga ang ganda ng langit, pero hindi ko nakuha ang spiritu nito. Walang effect na tulad ng actual na pagtingin ko dito.
Pero kanina, lumabas ako ng bahay. Masama ang loob ko, gusto kong makakit ng mga bituin. Nadisappoint lang ako, kasi maulap ngayong gabi. Wala ang mga bituin para makinig sa mga sama ko ng loob, para makinig at pagaanin ang sama ko ng loob. Malungkot, oo, pero ayos lang, alam ko namang bukas, mas maganda makikita ko sa kalangitan.
0 comments:
Post a Comment