"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Wednesday, May 20, 2015

Para Sayo ang Tulang Ito

“Bitter” ang ibig sabihin ng pangalan mo
Pero dahil sayo, ang buhay ko’y better kahit di mo ito natatanto
Kaya naman, mahal, ikay inibig ko
Isa kang anghel na iniluwa ng langit upang sagipin ako.

Kahit na noong una tayong magkita akala mo ako’y sira-ulo.
Kaya naman tinatanong ko ang sarili ko
Sa libo libong taong araw-araw ay ating nakakasalubong
Bakit kaya ikaw at ako ang pinagtagpo?

Ang sabi ko “Mahal kita!”
Ang sagot mo “Kaibigan lang kita.”
Ang sakit, pero okay lang
Umaasa parin akong baling araw sa puso mo’y ako ang bibihag

Naging masaya ako sa kung ano tayo
Magkaibigang nariyan kapag pinagsakluban na ng mundo
Ngunit ang unan ko’y basa ng luha
Bakit puso ko’y ikaw pa ang nakakuha?

Ang sabi ko, ikaw ang pangarap ko
Buwan ng disyembre, Parokya Ni Edgar ang peg ko
Harana sayo’y sinalubong
Sa harap ng mga tao, hiya ay nilunok ko

Mahal kita, o giliw kong ako’y ginawang ampalaya
Sa pait ng mga nangyari’y puso ko’y nawasak
Patawarin mo ako dahil ika’y inibig ko
At patatawarin kita dahil iba ang mahal mo.

Kaibigan kitang malapit, at iyon ang hindi ko nakita
Sana’y mas pinahalagahan ko iyon eh di sana ngayon tayo’y magkasama
Pero di ako nagsisisi na ika’y minahal ko
Dahil ang anghel na tulad mo ay minsan lang dumating sa buhay ko.

0 comments:

Post a Comment