Dedicated ito sa kaibigan kong martyr.
Alam mo, ang sarap mong iutog sa pader. Hindi ko na mahihintay yung panahong mauntog ka sa pader nang magising ka sa katotohanan at matapos na ang lokohan!
Kagabi, lumuha ka ng balde-balde. Malayo tayo sa isa't isa pero ramdam ko ang sakit at hapdi na naramdaman ko habang tayo ay magkausap sa Facebook. Hindi ko maintindihan, sa babaw ng inyong pinag-awayan, paghihiwalay niyo ang naging bunga, hinagpis ang resulta. Mga luha, mga luhang ni minsan hindi ko nakita, dumaloy sa iyong mga pisngi, masakit isipin, wala akong masabi kundi "Iiyak mo lang. Kailangan mo yan."
Kailangan mo ng kaibigan, ng kausap, ng iiyakan, masasabihan ng sakit ng loob, ng kirot na iyong nararamdaman. Lahat ito ibinigay namin sa abot ng aming makakaya. We tried to break down the walls you built to protect your fragile part so that we can try to protect it, comfort it from him. Nagawa namin, ayos. Natakot ka sa balikan ng gamit, we tried to make you stronger, braver. Tagumpay!
Nalaman nating may girlfriend siya sa ibang campus, lumuha ka. Naiintindihan ko yung sakit, siyempre, kahit sabihin nating yung isa ang niloloko niya, tinutime ka pa rin niya. Sabi ko, "Wag kang maniwala hanggat hindi mo pa nakikita kung totoo," pero hindi ibig sabihin nun, magpakamartyr ka ulit.
*Sigh... Nakakapagod. Nagalit kami noong makita namin siyang tumatawa habang papalapit sayo habang mugto ang mata mo kakaiyak. Tsk. Malakas din ang loob niyang ganyanin ka, tapos tatawa-tawa siya. Anu yung pakikipagbreak niya at pagsasabi niya na hindi na siya magpapakita sayo, trip niya lang? Lintik! Nakakagalit! Konting suyo, nagkabalikan din kayo.
"Another round ng kamartyran starts na naman."
Hindi ko alam kung martyr ka ba o tanga lang. Pero pipilitrin kitang intindihin kasi kaibigan mo ako. Masaya kami kung masaya ka. Wala naman kaming magagawa. Desisyon mo yan, buhay mo yan, buhay namin to. Ano pa nga ba? Support ang kailangan mo, hindi sermon. Sasaluhin nalang kita kung sakaling bumagsak kang muli.Pero hindi ko mapapangakong ibibigay ko ulit ang balikat ko para iyakan mo at pakinggan ka sa mga hinaing mo, sermon na ang abot mo.
Kung minulat mo kasi ang mga mata mo ng mas maaga, nakita mo sana kung sino yung taong tunay na mahal ka.
Nga pala, lahat ng yan nagyari ng wala pang 24 hrs. Nakakaloko.
0 comments:
Post a Comment