"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Tuesday, January 11, 2011

Photography

 Sabi nila, I can capture moments with camera, I can campture beauty and make it immortal.

(Left, Cheska and Nova)
Hindi lang ako kumukuha ng inspirasyon sa mga moments ko sa school or kahit saan para sumulat, hindi lang pagsusulat ng mahal ko, I love photography, I am a photojournalist.

Kakaiba kasi yung thrill pag nakakakuha ka ng magagandang pictures, at sasabihin ng mga classmates mo at kaibigan mo na "Uy, ang cute!" or "Uy, ang ganda naman."
 The fulfillment, the joy, I can have both of them in terms of writing stories and photography. Sabi ng ate ko noong nagpapakuha siya ng picture sa akin noong nasa Alaminos kami, "Ang pangit ng kuha mo, picture ka lang ng picture, parang basta nakuha yung mukha. Dapat nakukuha yung landscape, yung view! Marami ka pang dapat isaalang-alang kung gusto mong makakuha ng magagandang pictures."
That sunk into my mind. Simula noon, lagi ko nang kinukuhanan ang mga pictures where nakikita yung mga tao at views, may mga palpak, may mga ok din naman. Until now, trinatry ko paring maging magaling. Marami na akong nakuhanang events, mga tao, bonding namin ng mga kaibigan ko, places, views, at kung anu-ano pa. Lagi kong iniisip ang beauty, lights, landscape, effects at minsan, may script pa para maganda.

 Mahal ko ang photography, passion ko na ito, parang pagsusulat.


Pag kumukuha ako ng pictures, hindi laging moments, hindi laging may mga tao. Kung may tao man, gusto ko yung may mararamdaman yung mga makakakita nito, I want photos that has the beauty of life, yung tipong makikita mo ang realidad ng buhay. Ipinapakita ang mga taong nagtatrabaho, mga estuyanteng nag-aaral, mga babaeng nagpapaganda, mga atletang nag-lalaro, mga batang namamalimos, mga batang naglalaro, kalyo sa kamay ng matatanda at musikero, babaeng hinahaplos ang tiyan sa una niyang pagbubuntis, mamang nagtutulak ng kariton, pamilyang salu-salong kumain, magkakaibigang umiiyak, lihim na pag-ibig, pagmamahal at sakit, takot, lungkot, galit, sindak, hiya, gulat, tuwa, pananampalataya, sarap, at pagtataka.

Kung wala namang tao at ang subject ko ay views o mga bagay, gusto ko yung sa nature, mga puno, tubig, lawa, batis, talon, dagat, sapa, bundok, kapatagan, mga ganung bagay. Hindi ako fan ng mga pictures na ang subject eh mga bulaklak, kotse, oh kung ano pa mang larawang may iisang bagay ka lang na makikita. Gusto ko din ang mga pictures ng mga skyscraper, syudad, langit, MGA bituin, buwan, planeta, kababalaghan, milagro at kahit pulusyon.

0 comments:

Post a Comment