"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Monday, June 27, 2011

Hindi ko alam if hanggang kailan ako ganito

Hindi ko alam if hanggang kelan kami ganito. Oo, bumabalik na ang lahat sa dati. Napakasaya ko na kasi nag-uusap na kami kahit papaano. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ang kaisyahan ko?

I wished for a little conversation with her, God gave me more than what I've wished for. Parang panaginip lang lahat ng ito. If panaginip nga, sige, hindi na ako gigising pa. Ayoko nang bumangon. Pero kung kukunin ulit ni God ito sa akin, tatanggapin ko. Sobra kasi ito sa hiniling ko. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos na despite sa mga kasalanan ko, pinagbigyan pa rin niya ako.

Parang isang masamang panaginip nalang ang nangyari sa akin, o parang isang masayang panaginip naman ang nangyari sakin this weekend. Di ko alam if ano ang dapat kong gawin. Binabantayan ko nalang ang mga sinasabi ko, natatakot akong one wrong choice of word at babalik na naman kami sa pagiging strangers. Ayoko na ng ganun, nakakabaliw. Nakakapagod ang ganun. Kontento na ako sa ganito.

Saturday, June 25, 2011

Bakit ganun?

After ko ikwento ang 8 years na kwento ng puso ko kay Claisyl, nabasag ko yung test tube na nagcrack, siguro pinapaalala niya kung paano nagtapos ang kwento naming dalawa, kung gaano kadurog ang puso ko. Ang galing naman, so ironic. Gusto ko sana iuwi yung bubog, pero naisip ko, tama na yung durog na puso ang iuwi ko, wag nang samahan ng durog na test tube.

Sawing Pag-ibig

Sa Filipino class namin, gumawa kami ng poem, di naman actually poem ang kailangang gawin, mostly samin yun ang ginawa. Ito ang first poem ko.

Wala na akong magagawa
Sa sitwasyon nating dalawa
Hindi ko alam kung sinong dapat sisihin
O kung ano ang dapat sabihin

Ang oras ay nagbabago
Ganun din ang mga tao
Ngunit hindi magbabago ang tibok ng aking puso
Ang pag-ibig ko'y para lamang sa iyo

Kung nasaan ka man ngayon
Sana sa nakaraan ika'y lumingon
Ako ay naroon, naghihintay
Hinihintay ka para makasama sa habam buhay

Sa pagkagat ng dilim
Ako'y nagdarasal ng taimtim
Na sana bukas sa pagsikat ng araw
Pagkakaibigan(personal ver)/Pag-iibigan(Filipino ver) natin ay maibalik at magsilbing tanglaw

Thursday, April 21, 2011

Kapalarang Walang Basehan (IV-2 Class Prophecy*daw*)

babala: ang inyong mababasa ay walang basehan. Kung hindi niyo gustong malaman ang kapalaran niyo kung hindi kayo magsisikap sa buhay, wag niyo nang ituloy. Pero kung gusto niyong makabasa ng walang kwentang propesiya, ituloy mo ang pagbabasa.

April 1, 2011, nagtapos ang kwento ko sa BN, at ganun din ang kwento ng aking ga kaibigan.

Nandito ako ngayon, naglalakad sa Bayambang, taong 2040. Maunlad, maraming malls, nagkalat ang mga pabrika at isinusulong na ang paglipat ng Malacanang dito, at binabalak na ring gawing Capital ng Pilipinas ang Bansa. Inumpisahan ito ng diktador na malala pa sa laha ng naging presidente sa mundo - si ELJESSON JOE BERDUL. Sa kasamaang palad, pinasabog ng mga rebelde ang kanyang sinasakyang eroplano, mga rebeldeng pinamumunuan ng kaibigan niyang si MARK NEIL BRAVO.

Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad, napakalinis ng bayan na ito. Tila kailan lang nang maglakad ako dito noong ako ay nasa high school pa, kasabay ang mga classmates ko. Pumasok ako sa loob ng town plaza, walang nagbago, maliban nalang sa mga halaman at side walk. Ang mga halaman ay hologram na lamang, at ang side walk ay kusa nang naglalakad. Iwas hassel sa mga tao at hardinero. Nakita ko sina JESILA GALSIM at GEENA DELA CRUZ, nakaupo sa tabi, namamalimos sa naluging businessman na si ERICK CAYABYAB na hindi magtatagal ay sasama na sa kanilang dalawa, o pwedeng kay Eljesson na siya sumama, bahala siya. Nandoon din sina JAHACIEL IGLESIAN, KAREN CAYTE VIRAY, at GE-ANN GARCIA, metro aids na sila.

Lumabas ako ng plaza, ano ang nangyari sa kanila? Laking gulat ko nang makita ko si CAROLYN PAYOMO, akala ko ay kumuha siya ng accountancy, pero bakit kubrador siya ngayon, hmm. Kasama niya rin si CHESKA LILYANA ESCANO, at tinitrain si ERICKA JILL REBMONTAN para maging kasama nila. Sa di kalayuan, may wanted posters ng mga carnaper, killers, kidnappers, at jay walkers. Nandoon sina RALPH REXON TAGULAO, MICHAEL ANGELO DIAZ, MINANDRO CARAGAN atLESTER AGPOON, sa ibaba nito, may naglalako ng kakanin, sina AMELIA SOLOMON at NOEMIE MANUEL. Peo may dumaan, ninakaw ang kakanin. Maliit siya at mahaba ang buhok. Hindi ako pwedeng magkamali, si CHING MONTOYA ito.

May nadaanan akong nagtitinda ng diyaryo, si BILLY JAKE DORO. Binuksan ko ang diyaryo at nakita sa headline ang article na isinulat ni CHARLEMAGNE SERAFICA, uy, journalist siya. Tinignan ko ang title ng diyaryo, "Tiktik" ang nakasulat. Nasa headline niya ang isang pagsabog sa isang bus station kung saan nandoon sina LAWRENCE CASINGAL, LIBERTY AQUINO, JEFFERLYN PEREZ at MARY JUSTIN ROSE DE VERA at KYRIE DAYRIT. Nadamay ang mga napadaang sina JHASMIN DATUIN, LORHINE JIL-ANNE REQUILMAN, MYSA CAMANAY, KATHERINE CAMANAY, MARY JOY ANASCO at CRISTINA BARROGO. Dinala ang mga naturang bangkay sa purinaryang pagmamay-ari ni SHEILA MAY EDUQUE.

Pumunta ako sa loob ng palenke, nandoon sina CLARISSA CAYABYAB na nakikipagsabunutan kayMAY GWEN ROLDAN na inagaw ang suking si JOHN ANDRAE ANTONIO na natakot kaya lumipat kay JAYMARK AUSTRIA. Kahit ako ay nagulat, gumulong sila sa putikan, mula sa pwesto nila sa gulayan hanggang sa meat section kung saan naroon at nagkikilo sina CHRISTIAN LESTER CAERLANG, JESUS CODIBAN, ARIEL JAY CHICO, at ABEDNIGO MAMARIL. Sa may labasan naman, kung saan may station ng bus kung saan driver si JOHN ANDRAE MACARAEG na isinasakay ang baldadong si JONEL PALAGANAS na nabaldado dahil natalo sa pusta sa paliga ng bayan sa kupunan nina LESTER GALAM at JOSE LOPEZ na kapwa dinaraya ang edad makapaglaro lang sa liga ng bayan.

Sa kabilang bus naman ay nagkasakayan sina RACHEL ASUNCION, PAULA JEAN BUGARIN, GRACE JOY AQUINO, ALMA GRACE AGBUYA at JIELLA-LYN AMBAT na kapwa nagpaparamihan ng anak. Nasa likod nila si MIAROSE CAYABYAB na namamasukan sa Maynila, sabay niya ang katrabahong si MARY JOY GROSPE, LUDUVINA DIAZ at MYLENE FERRER. Namamasukan sila sa asawa ng yumaong battered(tama ba ang spelling?) wife na si SHEILA ALYSSA JACALNE na namatay dahil hindi sinasadyang nakakain ng pagkain ng daga. Ang saklap. Yumaman naman siya ah? Bakit kailangan niyang gawing cornic ang pagkaing nakalaan sa daga?

Pumunta ako sa isang department store kung saan galit na galit na pinagagalitan ng manager na nagmenopause na bago pa makapag-asawa na si VERONICA PAAS ang sales ladies na sina DIVINA PERALTA, JASMIN VILLON at NOVA KRISANTA VALLO.

Ano na nga ba ang nangyari sa amin? Ang dami naming mga pangarap na hindi naman namin naabot? Nasaan na ang pangarap ng mga musmos na bata, na ngayong mga busabos na(may naalala ako dun na)? Nasaan na ang mga pangarap naming ninais naming abutin? Ang maginhawang buhay? Planong ipapatayong paaralang mga anak lang namin ang magkakaklase? Ang reuniong mapupuno ng iyakan? Pagsasamang walang hanggan? Bakit... bakit may kulang sa kanila? 59 lang ah... sinong nawawala?

Ah! Ako ang nawawala. Ano nga bang nangyari sa akin? Ah oo nga pala, naging writer ako. Hindi ng nobela kundi ng pambatang kwento. At isang araw, nasalvage ako. Tapos ang buhay ko.

Please, walang pikon.

Thursday, March 24, 2011

Ang Anim na Pung Estudyante(IV-2)

Isang gabi, nakaupo ako sa isang lumang upuan sa bakuran ng bahay ng Lola ko. Nakatingala ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin na nagniningning. Ano kaya ang pakiramdam na maging isang bituin? Ano ang pakiramdam na ikay tinitingala at ang makita ang mundong nasa ilalim mo na nagbabago sa pagdaan ng panahon. Pero nandito ako hindi upang magkwento tungkol sa mga bituin, nandito ako para magkwento tungkol sa mga kaibigan kong nagturo at dahilan ko kung bakit nakatingala ako sa mga bituin sa kalangitan.
Sampung buwan na din ang nakakalipas, nag-umpisa ang kwentong alam kong panandalian lamang, ngunit hindi ko inakalang babago sa aming lahat. Nagsimula ito nang magsama-sama ang 60 studyante sa iisang silid aralan sa isang pampublikong paaralan. May mga maiingay, may mga nagpapatawa, may mga nananahimik dahil bago lang sa klase, may mga nagpapacool, may mga feeling boss, may mga sumisilong lang sa kasikatan ng mga kaibigan, at may mga pangit, may mga pang model, may mga ninenerbyos at may isang gurong hinahayaan ang mga estudyante niyang magkamustahan at makipagkaibigan.
Alam ng lahat nang araw na iyon na ang ilangan, ang namumuong pagtitinginan, mga pagkakaibigan at kabaliwan ay maaaring lumala o mawala. At sa pagdaan ng panahon, sino ang mga-aakala na ang ilangan ay mawawala ng lubusan, ang pagtitinginan ay nagbunga ng pagmamahalan, ang pagkakaibigan ay nanatiling matatag, nabuong barkadahan, at ang kabaliwan ay lalong lumala.
Sa 10 buwan nilang magkakasama, sabay-sabay nilang nilabanan ang antok sa loob ng klase, sabay-sabay lumingon sa kaliwa at sa kanan upang manghingi, manghiram at manguha ng papel, bolpen, sagot sa quizes, suklay, pulbo at pabango, sabay-sabay magtawanan, sabay-sabay nakipaglaban sa mga kaaway, sinuportahan ang isa’t isa, marami ngang problema tulad ng pera, pag-ibig, away kaibigan, away bata, tampuhan, pamilya, at hindi nakapagreview kahit na alam na may long test sa 1st subject na sinabayan ng short quiz sa 2nd subject at tatlong magkakasunod na assignments sa hapon… pero kahit busy, tadtad parin ng pictures ang bawat araw nila, tulad ng pagkatadtad ng pimples ng mukha ng blogger nna ito few months ago.
Lumipas ang mga araw, naging ganap na columnist ang ilan sa pahayagan ng kanilang paaralan, naging photojournalist ang ilan at ang mga sablay ay naging photographer naman, ang ilan ay naging radio broadcaster, script writer at cast ng infomercial na nagtuloy-tuloy hanggang Regional School Press Conference.
Tignan mo nga naman sila, kahit busy sa pagiging member ng local media ng school nila, naharap paring Math wizards at Science genius! Solve dito, solve doon. Kulang nalang isolve ang formula ng pahinga, pati ba naman kasi reflection sa salamin sinosolve pa. Genius talaga, pati Araling Panlipunan nakijoin din sa solving. Ayos.
Mula sa mga loko-lokong bata, unti-unting binago ang mga studyanteng ito at hinubog upang maging mabuting tao, mamamayan, anak, kapatid, kaibigan, pamangkin, apo, inaanak, estudyante, kakilala………komyuter sa bus, komyuter sa jeep……..kapitbahay, kapitbaranggay…….. gala sa kanto, tanggero sa kung saan…… at isang makadiyos na tao.
Habang nagfiphysical fitness test, naaalala pa ang outputs na kailangang irush dahil deadline na kinabukasan. Habang nag-aaral ng musika ni Chopin, Beethoven at Stravinsky, inaalala din ang reporting ng isang napakalumang libro na pinag-aralan pa ata ng lolo ng taytay ng apo ng tiyuhin ng apon na anak na asawa ng biyudong kalbo na may apong engot na nakapangasawa ng mayamang babae an bungisngis kung tumawa, ang El Filibusterismo.
Matapos ang sampung buwan na ganyan, dumating na ang panahon upang parangalan sila sa paghihirap nila sa High School…
Nalalapit na sila sa pagtatapos, ilang pahina nalang ang natitira, magwawakas na ang kwento ng 60 studyante na pinagbuklod ng panahon, sinubok ng pagkakataon… maghihiwalay-hiwalay na ng landas ang mga batang tinaguriang “IV-2 Guild,” ng Bayambang National High School.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nakaramdam ng sakit sa dibdib at luhang dumadaloy mula sa aking mata pababa sa aking pisngi na dumaloy hanggang sa aking mga labi… muli akong tumingala sa mga bituin at alam ko sa mga oras na iyon, na ang mga ala-ala ng 10 buwan na iyon na inukit namin sa paaralan ng BNHS ay hinding hindi mawawala sa paglipas ng panahon… at sa muli nilang… este sa muli naming magkikita-kita at pagsasama-sama ay wala ng dahilan upang maghiwahiwalay pa.

Thursday, March 10, 2011

My High School Teachers...Part 2

Isa sa mga hindi ko talaga malilimutang teacher ko ay si Ma'am Josefa Sabido! Fisrt two months talagang nanginginig ako sa takot, ang dami agad napahiya noon. Pero nang maglaon, ayos naman, tulad din siya ng kanyang kapatid na si Ma'am Tan, mabait kahit strickto. Bawal ang magkopyahan sa assignments sa kanya at dapat 2 lines lang. Natuto talaga ako sa kanya about biology! 8 kingdoms ng living things, phyla, genes, etc. Grabe ang hirap namin sa investigatory project, kailangan kasi perfect mula sa pinakamaliit na detalye. Mahirap, pero magsusurvive ka... kailangan eh. Pag dumaan ka kay ma'am sabido, talagang parang lapis kang bagong tasar.

Boys and Gels at the back, makakalimutan niyo ba si Ma'am Angela Quintans? Eh ang steyki at preyti? No!!! Mabait din sila, naaalala ko kapag recitation kailangan kami ang gagawa ng questions tapos ipapass namin ang mga iyon. Bubunot kami isa-isa at sasagutin ito, swerto mo if madali ang tanong, o nabunot mo ang sarili mong tanong. Minsan sila na mismo ang bubulong ng sagot sa’yo.


Eh si Ma’am Arlene Duque? Isa pa yan, mabait! Hindi ko maalala kung kelan siya nagalit, maayos naman silang magturo, ang kaso, hindi ako nakikinig. Hindi din ako nangongopya ng lesson kaya lagging patay ako sa quizzes.

Si Ma’am Leah Ferrer? First time ko magreport sa Mapeh noong siya ang naging teacher ko. Naalala ko, wala ako sa tono noong pinakanta nila kami ng folk songs. Buti nalang sinabayan ako ni Ma’am kaya natapos ko ng matiwasay ang pagkanta.

Kay Ma’am Criselda Narag? “Mantakin mo,” yan ang expressiong napulot naming sa kanya. Natuto akong mag-ayos ng table napkin sa kanya, nagburda for the second time, at sa subject nila ako unang nakakain ng isang putaheng hindi ko alam kung anong pangalan at kung may ganoong putahe talaga o inembento lang ng leader naming iyon.

Nanginginig naman ang mga balakubak at alipunga ng katabi ko habang nagrereport ako sa AP under Ma’am Marilyn Mijares. Siyempre nanginig din ako. Napagastos ako sa report ko noon, research ditto, research doon about neolitiko, mesolitiko, at ang iba pang litiko, print ng pictures about sa mga iyon. She dared us kasi na pagnagreport, dapat parang doon sa certain university ditto sa asia na super galing, kalimutan ko na yung names, dalawa yung university na iyon.

Talagang tatawa ka naman kay Sir Camilo Castillo. Habang may activity or long test, magkukwento yan, tinetest ata ang concentration namin. Matataas naman ang grades ko sa kanya, lalo na sa formal theme. Grabe sila magalit, pero mabait kadalasan. Pag long test, titignan niya ang test paper mo at bibilangin niya ang mali at sasabihin sayo kung ilan. Machachallenge kang hanapin iyon, minsan kumokonti sila, minsan lalong dumarami.

“Suppose we have,” at “isn’t it?” ang expressions na nakuha ko kay Ma’am Julita Romero. Akala niyo sa Science lang may investigatory project? No! Meron din sa Math, ninetuples ang topic. Tuwang-tuwa sila sa group naming, nginig na nginig ako habang nagdidiscuss, pero natapos ko din ng maayos at nasagot ko ang lahat ng tanong nila ng tama.

Monday, March 7, 2011

My High School Teachers...Part 1

Nang pasukin ko ang masaya, makulay, nakakatakot(minsan), nakakainis(lagi) at maligayang mundo ng High School sa loob ng Bayambang National High School, hindi lang mga kaibigan ang kinailangan ko para magsurvive... kinailangan ko din/namin ang mga guro...

Sino ang makakalimot kay Ma'am Liza Magalong... napakabait niyan! Pero kung magalit, parang tigre... at lahat kami ay parang daga na nanginginig sa takot. Pero ipapakita niya na she's very concerned to our well being. Sabi pa niya, wag na daw kaming mag-gu-good morning/good afternoon kung hindi naman kami seryoso. Kaya kapagnasasalubong ko siya, dapat may ngiti sa mga labi ko at sabay good morning... minsan nagood afternoon ko sila, 9:something pa lang pala noon ng umaga. Tsk. Every wednesday, sa umaga lang niya kami paglilinisin, at sa hapon, pangangaralan niya kami about sa mga mali naming ugali.

Sino ang makakalimot kay Ma'am Magdalena Tan? Noong una, takot na takot ako sa kanya. Pero noong maglaon, nakita ko naman ang kabaitan sa kanya, medyo strict lang siguro or mitikoloso, pero carry lang! Naaalala ko sa tuwing magpaparecite siya at walang magtataas ng kamay, ang sasabihin niya alam namin ang sagot, marami kaming ideas kaso hindi namin alam sabin/interpret. Magaling din sila mag guitar, at grabe sa pagpronounce ng names namin, talagang mapapansin mo yung diction, nahiya tuloy ako sa aking english-crabao. Buti nalang hindi na ako ganun...

Eh kay Sir Alfredo Solomon? Hindi ko makakalimutan ang mga walang katapusan niyang jokes! Simula palang ng klase magpapatawa na. Papasok ng paatras sa classroom dahil naniniwala daw siya na ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan, kaya paatras silang pumasok, baka daw time na hindi pa sila makapasok.

Kay Ma'am Nelia Quisora? Matututo ka kung makikinig kang mabuti, ang problema, hindi kami nakikinig ng mga katabi ko sa dayban at sa gilid ng bintana.

Kay Sir Cesar Germono at ang kanyang super sticks? Bentang benta yun sa amin. Malamok sa room nila kaya naglagay sila ng sandamakmak na sibuyas, kaya paglabas mo, amoy sibuyas ka na din, wa epek ang mga mamahalin at mumurahing cologne at pabangong ginamit mo.

Kay Ma'am Justiniana Perez? Napakabait niyan! Nakikinig ako lagi lalo na sa tuwing "Ibong Adarna" ang pag-aaralan. Wala kang masasabi, basta mabait sila.

Kay Ma'am Flor Soriano? Namimiss ko din pala sila... Kahit minsan moody, nakakatawa din naman lalo na pagnagdidiscuss sa PE at hindi namin magets pano ang gagawin.

Kay Ma'am Corazon Honrado? Pag period na nila, naaasar ako, hindi dahil sa kung ano paman, kundi dahil 5 o'clock ang uwian sa tuwing may values, pero okay lang naman pag nasa loob ka na ng classroom. madali lang naman silang kausap, diba guys?

Tuesday, February 22, 2011

Early in the Morning

The sun is rising slowly from the east; the neighbours are cooking breakfast, feeding their chickens, goats and pigs, an old man looking after his granddaughter while I sip cold iced tea on a mug. I know I should be drinking hot coffee or hot chocolate instead, but I like iced tea more for breakfast.
It’s early in the morning, I need to go to school, yet here I am sitting on a couch, unprepared to go to school. I know that I will see her later this morning at school. But I don’t want to see her. The pain was still here in my chest, maybe it won’t leave me for a while. I shouldn’t be acting this way, she’s not my girl friend, and she’s just my friend. Why can’t I accept the truth? When will I stop acting this way?
It feels like I’m in the middle of the sea, I have no choice but to float or I’ll drown. But if I’m in that situation literally, I’m willing to drown... just so you can see how devastated I am. I’m, I’m not supposed to feel this way, I’ve seen the two of you before, but why does that moment became so vivid in my memory, that memory of you laughing and smiling with him... one thing that you can’t do with me... one thing that I never seen in your face before.
Maybe this is our destiny, not to be together. I didn’t see this coming, our future was so clear to me 9 months ago. We’re both going to the same university for our college, and maybe I’ll have a chance on you, and prove that I’m the man that’ll love you forever, the man that will take care of you until were old and gray. But this, I wasn’t able to foresee these things; I wasn’t able to see and realize what you really feel. Now I’m giving up destiny, there’s no such thing as destiny, now I should hold on to my own free will, make some decision that I might or might not regret.
Fear, sorrow, broken heart, and devastated; that’s how I feel right now. I want to see you, yet my heart’s not yet ready, I want to talk to you, but my lips were sealed, I want to hold you, but my arms are tied, I want to think about you, but my mind is close, I want to keep you here in my heart, but it’s too broken... I can’t put you to place that are not even working.

Early in the Morning


The sun is rising slowly from the east; the neighbours are cooking breakfast, feeding their chickens, goats and pigs, an old man looking after his granddaughter while I sip cold iced tea on a mug. I know I should be drinking hot coffee or hot chocolate instead, but I like iced tea more for breakfast.
It’s early in the morning, I need to go to school, yet here I am sitting on a couch, unprepared to go to school. I know that I will see her later this morning at school. But I don’t want to see her. The pain was still here in my chest, maybe it won’t leave me for a while. I shouldn’t be acting this way, she’s not my girl friend, and she’s just my friend. Why can’t I accept the truth? When will I stop acting this way?
It feels like I’m in the middle of the sea, I have no choice but to float or I’ll drown. But if I’m in that situation literally, I’m willing to drown... just so you can see how devastated I am. I’m, I’m not supposed to feel this way, I’ve seen the two of you before, but why does that moment became so vivid in my memory, that memory of you laughing and smiling with him... one thing that you can’t do with me... one thing that I never seen in your face before.
Maybe this is our destiny, not to be together. I didn’t see this coming, our future was so clear to me 9 months ago. We’re both going to the same university for our college, and maybe I’ll have a chance on you, and prove that I’m the man that’ll love you forever, the man that will take care of you until were old and gray. But this, I wasn’t able to foresee these things; I wasn’t able to see and realize what you really feel. Now I’m giving up destiny, there’s no such thing as destiny, now I should hold on to my own free will, make some decision that I might or might not regret.
Fear, sorrow, broken heart, and devastated; that’s how I feel right now. I want to see you, yet my heart’s not yet ready, I want to talk to you, but my lips were sealed, I want to hold you, but my arms are tied, I want to think about you, but my mind is close, I want to keep you here in my heart, but it’s too broken... I can’t put you to place that are not even working.

Monday, February 21, 2011

Gone Back to my Old Passion

Writer na naman ako. Kaysa naman sa ibuhos ko ang mga emosyon ko sa kabitteran at pag-iyak, eh di ibuhos ko nalang yung emosyon ko sa pagsusulat. I need to use these pain, these love and these inspirations to make another master piece. Wala naman kasi akong mapapala if blog lang ako ng blog about sa love life kong wala naming pinakikitunguhan diba? Dito nalang ako sa pagsusulat, marami pa akong naeentertain at napapasaya, naisheshare ko din ang talent ko sa ibang tao