"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Monday, March 7, 2011

My High School Teachers...Part 1

Nang pasukin ko ang masaya, makulay, nakakatakot(minsan), nakakainis(lagi) at maligayang mundo ng High School sa loob ng Bayambang National High School, hindi lang mga kaibigan ang kinailangan ko para magsurvive... kinailangan ko din/namin ang mga guro...

Sino ang makakalimot kay Ma'am Liza Magalong... napakabait niyan! Pero kung magalit, parang tigre... at lahat kami ay parang daga na nanginginig sa takot. Pero ipapakita niya na she's very concerned to our well being. Sabi pa niya, wag na daw kaming mag-gu-good morning/good afternoon kung hindi naman kami seryoso. Kaya kapagnasasalubong ko siya, dapat may ngiti sa mga labi ko at sabay good morning... minsan nagood afternoon ko sila, 9:something pa lang pala noon ng umaga. Tsk. Every wednesday, sa umaga lang niya kami paglilinisin, at sa hapon, pangangaralan niya kami about sa mga mali naming ugali.

Sino ang makakalimot kay Ma'am Magdalena Tan? Noong una, takot na takot ako sa kanya. Pero noong maglaon, nakita ko naman ang kabaitan sa kanya, medyo strict lang siguro or mitikoloso, pero carry lang! Naaalala ko sa tuwing magpaparecite siya at walang magtataas ng kamay, ang sasabihin niya alam namin ang sagot, marami kaming ideas kaso hindi namin alam sabin/interpret. Magaling din sila mag guitar, at grabe sa pagpronounce ng names namin, talagang mapapansin mo yung diction, nahiya tuloy ako sa aking english-crabao. Buti nalang hindi na ako ganun...

Eh kay Sir Alfredo Solomon? Hindi ko makakalimutan ang mga walang katapusan niyang jokes! Simula palang ng klase magpapatawa na. Papasok ng paatras sa classroom dahil naniniwala daw siya na ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan, kaya paatras silang pumasok, baka daw time na hindi pa sila makapasok.

Kay Ma'am Nelia Quisora? Matututo ka kung makikinig kang mabuti, ang problema, hindi kami nakikinig ng mga katabi ko sa dayban at sa gilid ng bintana.

Kay Sir Cesar Germono at ang kanyang super sticks? Bentang benta yun sa amin. Malamok sa room nila kaya naglagay sila ng sandamakmak na sibuyas, kaya paglabas mo, amoy sibuyas ka na din, wa epek ang mga mamahalin at mumurahing cologne at pabangong ginamit mo.

Kay Ma'am Justiniana Perez? Napakabait niyan! Nakikinig ako lagi lalo na sa tuwing "Ibong Adarna" ang pag-aaralan. Wala kang masasabi, basta mabait sila.

Kay Ma'am Flor Soriano? Namimiss ko din pala sila... Kahit minsan moody, nakakatawa din naman lalo na pagnagdidiscuss sa PE at hindi namin magets pano ang gagawin.

Kay Ma'am Corazon Honrado? Pag period na nila, naaasar ako, hindi dahil sa kung ano paman, kundi dahil 5 o'clock ang uwian sa tuwing may values, pero okay lang naman pag nasa loob ka na ng classroom. madali lang naman silang kausap, diba guys?

0 comments:

Post a Comment