Isa sa mga hindi ko talaga malilimutang teacher ko ay si Ma'am Josefa Sabido! Fisrt two months talagang nanginginig ako sa takot, ang dami agad napahiya noon. Pero nang maglaon, ayos naman, tulad din siya ng kanyang kapatid na si Ma'am Tan, mabait kahit strickto. Bawal ang magkopyahan sa assignments sa kanya at dapat 2 lines lang. Natuto talaga ako sa kanya about biology! 8 kingdoms ng living things, phyla, genes, etc. Grabe ang hirap namin sa investigatory project, kailangan kasi perfect mula sa pinakamaliit na detalye. Mahirap, pero magsusurvive ka... kailangan eh. Pag dumaan ka kay ma'am sabido, talagang parang lapis kang bagong tasar.
Boys and Gels at the back, makakalimutan niyo ba si Ma'am Angela Quintans? Eh ang steyki at preyti? No!!! Mabait din sila, naaalala ko kapag recitation kailangan kami ang gagawa ng questions tapos ipapass namin ang mga iyon. Bubunot kami isa-isa at sasagutin ito, swerto mo if madali ang tanong, o nabunot mo ang sarili mong tanong. Minsan sila na mismo ang bubulong ng sagot sa’yo.
Eh si Ma’am Arlene Duque? Isa pa yan, mabait! Hindi ko maalala kung kelan siya nagalit, maayos naman silang magturo, ang kaso, hindi ako nakikinig. Hindi din ako nangongopya ng lesson kaya lagging patay ako sa quizzes.
Si Ma’am Leah Ferrer? First time ko magreport sa Mapeh noong siya ang naging teacher ko. Naalala ko, wala ako sa tono noong pinakanta nila kami ng folk songs. Buti nalang sinabayan ako ni Ma’am kaya natapos ko ng matiwasay ang pagkanta.
Kay Ma’am Criselda Narag? “Mantakin mo,” yan ang expressiong napulot naming sa kanya. Natuto akong mag-ayos ng table napkin sa kanya, nagburda for the second time, at sa subject nila ako unang nakakain ng isang putaheng hindi ko alam kung anong pangalan at kung may ganoong putahe talaga o inembento lang ng leader naming iyon.
Nanginginig naman ang mga balakubak at alipunga ng katabi ko habang nagrereport ako sa AP under Ma’am Marilyn Mijares. Siyempre nanginig din ako. Napagastos ako sa report ko noon, research ditto, research doon about neolitiko, mesolitiko, at ang iba pang litiko, print ng pictures about sa mga iyon. She dared us kasi na pagnagreport, dapat parang doon sa certain university ditto sa asia na super galing, kalimutan ko na yung names, dalawa yung university na iyon.
Talagang tatawa ka naman kay Sir Camilo Castillo. Habang may activity or long test, magkukwento yan, tinetest ata ang concentration namin. Matataas naman ang grades ko sa kanya, lalo na sa formal theme. Grabe sila magalit, pero mabait kadalasan. Pag long test, titignan niya ang test paper mo at bibilangin niya ang mali at sasabihin sayo kung ilan. Machachallenge kang hanapin iyon, minsan kumokonti sila, minsan lalong dumarami.
“Suppose we have,” at “isn’t it?” ang expressions na nakuha ko kay Ma’am Julita Romero. Akala niyo sa Science lang may investigatory project? No! Meron din sa Math, ninetuples ang topic. Tuwang-tuwa sila sa group naming, nginig na nginig ako habang nagdidiscuss, pero natapos ko din ng maayos at nasagot ko ang lahat ng tanong nila ng tama.
0 comments:
Post a Comment