"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Monday, December 30, 2013

Comments and Review for Unwanted Fairy Tale

Okay. Here it is. Di ko alam pano sisimulan pero sige :D

Let’s start with the title. First and foremost, gustong gusto ko talaga yung title. Very catchy. Kumbaga, there’s something na agad-agad sa title that made so curious para basahin book na ito. Kasinga di ba, once namarinig mo ang fairytale, usually, “WANTED” siya almost ng lahat coz it is known for its idealistic things pagdating sa mga love stories. Tapos “UNWANTED FAIRY TALE” naman title, so yun, ironic sya yet interesting ang dating para sakin. Bottomline, bet na bet ang title.

Way of writing naman, style ba tawag dun? Haha. Basta, yun na yun. Pansin ko lang, formal na formal then mayamaya, informal na sya. Yun lang naman. In general na yun. Tsaka pala yung choices of words, pang totoy talaga. Though accepted naman yun.  Gusto ko din pagiging straight forward ng writer. Wala gaanong paliguyligoy. Pero mas okay siguro kung mabulaklak pa. Para pandagdag effect.

Let’s go naman sa mga characters. Okay naman sila. Gustong gusto ko mga names . Sa personality and everything naman, they are well introduced to the point na, for me, medyo wala ng sense of surprise. Sense of surprise in a way na mabigyan pa sana ng chance yung mga readers to go deeper and discover things about them as they go on reading. It seems like nasabi na almost lahat tungkol sa kanila umpisa pa lang. I know naman, kadalasan ganun talaga but my point here is that maybe, you can do it in a different way yet interesting pa rin. Unique kumbaga. Tsaka I’m looking for something dun sa ibang characters. Something naparang trademark nila. Yung tipong masasabi kong, “Ah. Si ganto pala yun. Yung mahilig sa ganto. Yung ganto ganyan” in just one snap if possible. Tsaka may mga ibang characters napapasok then aalis na di ko gaanong nakilala. Hehe. Konting push pa sa mga yun. And lastly, konting evil minds pa. I mean push pa para sa mga evil plans and deeds ng mga kontrabida.

Sa mga scenes naman tayo. Eto talaga gusto kong punteryahin kasi magaganda mga ideas mo pero super bitin naman ako. Yung tipong andun na eh. Tapos, biglang mauudlot. Or on the other hand naman, andun na ako, expecting for more pero natapos na agad yung scene na yun. I do not know kung style ng author talaga yun kasi di ko naman masabi, first book niya ito eh. Tsaka konting dagdag pa sana sa mga major scenes and supporting scenes kumbaga. Like bonding moments ng mga kaibigan ni Valene or kaibigan ni Vince or Shiela’s. Tas mga scenes ng kanya kanyang family para mas makilala pa yung mga members ng family and the major characters as well. And most especially, yung mga kilig moments ni Vince and Valene na mala-fairytale talaga! MOOOOOOORRRREEEE !Puh-Leeeeaaasse ! Medyo nag-lack ka dun pero andun na yung kilig lalo na sa gitna hanggang dulo ! Konting push pa para sa “Kilig Much” thingy. More romantic moments together or kasama pa ang iba sa book 2 ha? More “Awwwww” effect din. Pero gustong gusto kotalaga yung mga unexpected events mo most especially ending! Napa-SHEMAY talaga ako! Haha. At dahil dun, super duper na yung pagka-excite ko para sa Book 2. Asssshhhhheeeeennnn ! :D Haha !

So to wrap this up, it is a good and interesting story of a 16 year-old kiddo (if Im not mistaken ha? :D) Kanina pa yang INTERESTING na yan nuh. Haha. Pero yan kasi talaga description ko eh. Haha. I enjoyed reading it yow! I really do. Keep it up. Congratulations ! So proud of you ! And sana may sense tong mga sinabi ko. Haha.

- Karen Cayte Viray, BSE 3rd year Pangasinan State University, Bayambang

0 comments:

Post a Comment