"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Monday, February 21, 2011

Worth it pa ba?

Worth it pa ba? Worth it pa ba na maghintay ako sa iyo? Pati sarili ko hindi ko na mapaniwala... hindi ko na mapaniwalang kayak o pang hintayin ka. Oo, mahal parin kita, kaso sa nakikita ko, nasasaktan lang ako. Masiyado mo siyang mahal, that leaves me with nothing... ang tanging puwang ko diyan sa puso mo ay isang kaibigan. Lagi nalang ganinto, ililihim ko, masasaktan ako, babalakin kong sabihin, may pipigil din. Siguro nga, we’re not meant to be. Maybe it’s only my illusion, illusion na one day you can love me the way I love you, the way I want you to love me. Matagal ko nang pinapangarap na soon you’ll realize na I’m the one for you, na I’m the person you’ll love with all your heart and soul. Kaso, ang salitang “mahal kita” ay kapos pa rin para sabihin kong “maghihintay ako.”
Alam ko, I promised you na “I’m here to stay,” I know that you know it means something, because it’s my synesthesia — my shining metallic words. Pero paano ko pa bibigyan ng rason ang sarili kong maghintay, kung ikaw mismo ang nagpaparamdam sa aking wala na dapat akong hintayin pa. Pagod na rin akong magbulag-bulagan pa sa mga totoong nararamdaman mo — pagkailang sa akin habang sumasayaw noong prom, pagbabalewala sa rosas na inialay ko saiyo noong gabing iyon, pagbibigay sa akin ng blangkong reaksyon nang sabihin kong “I’m here to stay” at pagluha mo para sa kanya. Ano pa ba ang dapat kong makita at maramdaman para lang sabihin kong “enough?”
Marami na akong sinakripisyo para sa pagmamahal ko para sa iyo, ngayon pa ba ako susuko? Ngayon pa ba ako mag-gi-give up? Tama bang sabihing “It’s over! You’re over, the game is done and you loose... because you quited.”
Hindi ko pingsisisihan ang lahat ng inilaan ko para sa iyo — ang oras ko, ang pagmamahal ko, at ang kaluluwa ko. Lahat iyon inilaan ko nang walang pakundangan, maipadama ko lang sa iyo na totoo ang pag-ibig ko, na bukal ito at walang halong kung ano pa man. Handa kong gawin ang lahat sa iyo, ipagpalit ko man ang buhay ko para lang maprotektahan ka, ipagpalit ang buhay na walang hanggan makasama ka lang hanggang kamatayan, o maging immortal para makasama ka hanggang sa walang hanggan.
Sana, dumating ang araw na malaman mong minamahal kita, na ang pag-ibig ko sayo’y wagas  na kahit sa dulo ng walang hanggan hindi ko kalilimutan. Isa lang masasabi ko, I won’t give this up... you’re the only girl that made me feel this way, you’re the first girl that made me shed tears. I’m here to stay, I’m here for you until the end of time... I love you.

0 comments:

Post a Comment