"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Saturday, February 5, 2011

Habambuhay... meron pa ba nun?

may naniniwala pa ba sa salitang “HABAMBUHAY”?

dahil may rason ako para maniwala, oo, naniniwala ako. lahat naman walang hanggan, kahit buhay ng tao, siguro nga ang katawan natin nasisira, naaagnas, namamatay, pero tayo, hindi. Hanggat nasa puso’t isipan pa tayo ng mga tao hindi tayo mamamatay, hanggat may alaala pa tayo sa daigdig na to, wala tayong kamatayan.

may mga taong hindi na naniniwala dahil sa love, hindi nasila naniniwala dahil nasaktan sila, kaya iniisip nila na wlang permanente kahit sa love, lahat nagtatapos. kung isa ka sa kanila, anung tawag mo sa parents mo? sa perents ko? sa parents niya? kung walang habambuhay sa love, sana lahat or mostly eh broken family. kung ang tututukan mo lang ng atensyon mo para sabihing walang habambuhay sa love eh yung sarili mong love story o yung karanasan mo, talagang magiging ganyan ang point of view mo. there’s more to life, sa ilang bilyong tao sa mundo ilan ang nakilala mo? 100+? 1000 below? teenager ka pa lang, marami pang pwedeng mangyari sa buhay, marami pang pwedeng mahalin at isa sa kanila ang siguradong makakasama mo “habambuhay…”

oo, siguro nga lahat pwedeng masira, lahat pwedeng mawala. pero hindi ka ba naniniwala sa sarili mo? hindi ka ba naniniwala sa kakayahan mong pwede mong alagaan ang lhat ng tao’t bagay na mahahalaga sayo? oo nga, siguro may nawawala sa atin, nasisira tulad ng love, friendship, pero kung paano at bakit nasira ito, yun ay dahil sa atin, kung paano natin sila pinakitunguhan at kung paano natin pinahalagahan ang nararamdaman nila.

kung nasira man ang relasyon niyo ng minamahal mo, siguro it’s not meant to be, hindi meant to be na kayo, pero kung naniniwala ka pa sa sarili mo, sa future mo, may habambuhay pang naghihintay sau.

bottom line: ang habambuhay ay para sa mga taong naniniwala pa. kung hindi ka na naniniwala, aus lang, paniniwala mo yan eh, may kanya-kanya naman taung pinaniniwalaan. one day darating din xa sa buhay mo, xa na makakasama mo habambuhay. at siguro, kahit hindi mo marealize yun, at least dumating parin yun

0 comments:

Post a Comment