Nahahawa kami ni Dengz ngayon sa 11-7 duty ni Ama. Haha. Nakawifi kasi si Ama sa hospital kaya kausap namin siya sa facebook ngayon.
Dapat nga ang ibinoblog ko ngayon ay yung ginawa namin sa faculty room at paghihintay namin sa kanyang dumating sa hospital o yung lumabas kami nina Hazel at Dengz for dinner.
Lately may nangyayari kay Ama. Hinahigh blood, at sabi ng mga estudyante niya ngayon sa community naiiwan siya sa staff house dahil sa sakit niya, tapos noong nakaduty kami noong Tuesday yata sabi ng isang faculty kay Sir Kaybee na parang nagnanumb daw yung kalahati ng katawan ni Ama. That same night nagpacheck up siya sa hospital at nakita siya ni Steele. Alam niya naman na alam namin that night na nandoon siya. Hindi kami makapunta sa kanya dahil abandonment of post yun. IR at extension duty yun.
Ang hilig kasi sa baboy at sa matataba. Kinukulit namin sa gulay ayaw talaga. Daig niya ang bata. Ang hirap kumbinsihin. Parang si Papa(yung tatay ko talaga), matigas din ang ulo kapag pinapatigil namin sa sigarilyo ni ate. Ang hirap talagang kumbinsihin ng matatanda. Sabi naman daw niya wala namang nakita sa MRI niya sa SLU-HSH. Nagulat pa ako noong sinabi sa akin yun ng mga estudyante niya sa kabilang block. May MRI na pala kasi sa SLU-HSH?
Nag-aalala kaming lahat kay Ama. Si Ama kasi, malaki talaga ang naging impact niya hindi lang sa group, kundi individually narin sa bawat members ng group namin. Hindi lang siya basta basta haligi ng group namin, actually, we see him as a member of our group. A1, siya ang 12th member. Alam naming medyo may something na kay Sir Kaybee noong talagang bukambibig namin si Ama, kaso hindi talaga namin maiwasan. Malaki din talaga ang impact ni Sir Kaybee sa amin, pero si Ama kasi... iba eh. Ibang iba talaga. Hindi ko maipaliwanag. Dahil narin siguro sa kaugali namin siya, ang trip niya ay trip din pala namin. Compatible kaming lahat.
Alam kong ginagabayan siya ng Diyos kaya panatag akong walang mangyayaring masama kay Ama o sa sino man sa grupo namin. Alam kong nasa mabuting kamay si Ama.
0 comments:
Post a Comment