"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Friday, October 5, 2012

Pork for Dinner

STEAKS AND TOPPINGS AT SESSION ROAD, Baguio City!


Pork Barbeque
Pork Chop
It's supposedly a review night - solemn, serious, madugo at buwis buhay na pagrereview for finals. Yet here we are, 10 in the evening, eating dinner outside.

With only 85 pesos, busog ka na, kaso ang mahal naman ng drinks, 22 pesos. What you see is what we got for 22 pesos. Hay. Hindi man lang natisod ang uhaw ko. Ang daya! :(

Food blog na ba ang nagaganap sa blog ko? Puro restaurant naman ang setting halos ng mga blog ko, or basta kumakain kami. Naku-naku. Hindi nakakapagtakang nadagdagan ako ng apat na kilo sa community duty. Kasalanan ito lahat ni Ama! Haha. He trained us to eat and not to stop. Sira ang diet ng girls, sira ang pagtitipid naming boys. So our wallet turns out to be like onions, we cry when we open it.^_^

Galing kasi sa youth night si Dengz after PE niya ng 7pm, umuwi naman na si Hazel after their PE. Ako kahit 4:30 wala na akong pasok, hindi pa ako nagdinner, pero nakaluto na ako ng kanin. So when the three of us are talking that night sa facebook, and nasabi namin ni Dengz na gutom na kami, ha! Wala nang isip isip pa, labas na! Wala nang bihis bihis pa.

Ang usapan namin ni Dengz ay magkikita kami sa may convience store sa may labasan sa amin, then dadaanan namin si Hazel. But because it's cold outside, I've decided na sunduin nalang si Dengz. Pagdating ko sa tapat ng gate, may dalawang teenager, magboyfriend ata. Nag-uusap about something. When I tried to push the gate, it was locked, eh sa setting kasi ng boarding house nina Dengz mahirap marinig ang kumakatok. So I just texted her. Luckily, an old man opened the gate at lumabas. Papasok sana ako kaso baka isipin nung dalawang magsyota na akyat bahay ako. Sus, pababa naman yung boarding house, wala akong aakyatin.

I heard the door open sa loob and heard someone climb the stairs. Sumandal ako sa pader and saw Dengz got out. May kahoy silang iniipit sa gate para hindi bumukas, ewan ko kung bakit hindi nalang nila gamitan ng susi. I didn't move, but I seriously thought of making her gulat. But making gulat is as natural as breathing to me. I didn't do anything and when she looked up, she literally jumped to her feet! Pagdating naman namin sa convenience store, nandoon na si Hazel. Nagulat na naman si Dengz (as in humiyaw), inaasahan namin kasi na dadaanan namin si Hazel sa boarding house nila. So yeah, we almost tried to give Dengz a heart attact that night, twice.

 So we sat there for hours, ate and shared stories and laugh, take pictures and all. Tapos pag-uwi bago kami matulog, kausap namin si Ama sa facebook, gusto na naman ng pork chop. Sabi namin mag-gulay siya, once a month daw. Naku naku. Sus, sumasama akong pagsabihan siya pero ako naman tong katulad niya. Bwahahahaha.

It's just now that I realized, naeenjoy ko na ang college life. Nakukuha ko nang umuwi ng pass 11pm, which is maaga pa nga para sa karamihan, nagagawa ko nang lumabas ng gabi. And we do it just for fun. We live, we're young, wild and free.

0 comments:

Post a Comment