Dinner, just the three of us. |
After two months nang hindi pagkikita dahil sa duty at school, nagkita ulit kami ni Karla at last! Kami naman ni Gehla eh laging nagkikita every Thursday-Saturday sa kadahilanang magkatabi lang naman ang classroom namin tuwing lecture days. Ang lecture days kasi ni Karla is Monday-Wednesday eh duty days namin ni Gehla yun. Buti nga at iisa lang ang tinitirahan nina Gehla at Karla.
Anyways, at last after two months lumabas ulit kami, yung last time na lumabas kami which is July pa eh magkaaway pa kami ni Karla, well, wag na nating ungkatin kung bakit kami nag-away. (Basta, bad kasi siya! Haha)
Chocolate Ice Cream Shake! |
Dahil heart broken na naman ako, nag-aya akong kumain sa labas with Gehla and Karla - ang mga walang sawang nakikinig sa mga kwento kong paulit ulit lang.(Kanta yun ah?). Hindi kami nakakalabas ng Sabado noon kasi si Gehla laging umuuwi ng Pangasinan. Off kasi niya. Ako naman next week! Pangasinan here I come!!! Sayang lang at hindi na naman pwede si Alyanna. Lately hindi na namin siya nakakasama, hindi ko alam kung lagi lang ba kaming nauunahan sa pag-aya sa kanya o ayaw na ba niya kaming makasama. Aba, nagdrama talaga ako no? Erase erase! Pero siyempre hindi kompleto yung gabi na wala siya. Alam mo yun, hinahanap hanap namin siya. Dati apat kaming magkakasama sa iisang mesa, the table/the restaurant feels so empty without one of us around.
Akala ko wakky dapat. |
Any-who! Ano pa bang makakapagpapacify ng sama ng loob at heart break kundi pagkain! Hahaha. So yeah, dinner time! Eating American food the Filipino way! hahaha. Laging yan ang inoorder namin kapag kumakain kami sa 50's Diner. Sulit ang pagwawaldas ng pera dahil bundat kang lalabas. Oo hindi naman gaanong marami ang inorder namin, pero nakakabusog naman talaga kasi. Puro cholesterol at carbohydrates! Mas marami ang karne kesa sa gulay... the way I love how my food is to be serve. Yeah, feeling ko maaga akong mamatay dahil dito, high blood at diabetes. Hahaha. I'm trying to change my diet, pero ang hirap!
Hindi ako nagmiryenda kaya gutom na talaga ako, excited kumain. |
Budgeted ako, kaso minsan lang namang itreat ang sarili at magkaroon ng sobra-sobrang allowance kaya sige lang, MAGWALDAS! Haha. At least napupunta sa tiyan. What? I'm a growing boy. Hahaha. Next project is magwaldas sa bookstore. Haha. I'm going to buy all the books I want, lalo na kapag nakuha ko na yung ipon ko. Then I'll ransack the department store and leave with no money on my wallet. I'm actually planning to change my style. Pero ang hirap... lalo na kung pagkain lagi ang hinahanap hanap mo. Hahaha. I told you I'm a growing boy. I'm a growing beast. At sa taong broken hearted, kabusugan doesn't exist.
Can't talk. Must eat. |
Can't...eat..more... |
Buti nga hindin na maarte si Karla ngayon eh, dati ayaw magpapicture, kailangan mo pa makipagwrestling para lang makuhanan mo siya ng nakapikit na picture na blurred pa. Tapos ipapadelete pa. Isang babaeng hindi mo alam kung paano aalalahanin ang kabataan. You'll only be a teenager once in your lifetime. You'll never be teenager again and you can never have these good times again. In life, it's always now or never.
Pag busog, nagkakabangs? |
We spent the rest of our time in the restaurant sharing stories, sama ng loob sa mga tao, making plans for the vacation, making plans for my off... Isang buwan ang bakasyon ko! 3 weeks na semestral break at yung off ko. Isang buwan!
Who needs a girlfriend kung may bakasyon ka with all the people you love and like with enough time for all of them? This is what we call life! But I'm still worried for this remaining 3 days of duty sa pedia. Baka madagdagan ang extension duty kong 8 hours. Ayoko na. Tama na yung 8 hours. Magbabakasyon na ako. Ayoko na ng extra experience. Masaya na ako sa experience ko for this semester. Madami na akong natutunan. PROMISE!
It ate two of my tokens! |
Playing some basketball. |
After kumain at maglakad lakad sa department store at bumili ng gamit at tumingin ng libro sa bookstore ay dumiretso na kami sa Quantum. Magki-KTV sana kami kaso full lahat, so naglaro nalang kami.
Nakakainis yung sa stuffed toys, kinain lang yung 2 tokents ko. Sayang. Buti hindi ko pa naihulog lahat. 4 na tokens for that eh. Sa Time Zone noong high school ako naaddict ako sa arcade, naubos lahat ng natirang pera ko kakalaro ko doon. A piece of adivice, don't play games on these places. It's highly addicting.
Then we played ball. BASKETBALL. I'm not really good at playing any ball games, what a shame my dad is good as basketball. Gehla's good at it, so we played till we had no more change to buy tokens.
Baguio at Night. Gotta love the city lights! |
After being such dorks, we finally decided to end the night. Nagpahangin muna kami ng konti sa view deck ng SM at nagpapicture ng konti.
Gotta love this night. Walang difference sa mga gabing magkakasama kami except wala si Alyanna, sana every Saturday ganito, or better yer every night. Haha. Mambumulubi kaming tatlo.
Till next weekend... oops, off ko pala at nasa Pangasinan na ako nun. XD
0 comments:
Post a Comment