Papasok palang |
Nagtago kitdi si Steele! |
Community duty changes us all, like waves washing away the footprints of the sand, it smoothen our surfaces and we became more adaptive to change. Anyway guys, hindi ko naintindihan ang sinabi ko. Hahaha. We went to the community as individuals, we left as one. (LAST!)
So we cooked our own food, kung saan madaming na-inlove sa aking spaghetti na kulang sa anghang, yes hello pinsan ni Joanna? Hahahaha. Mapatikim nga to kay Ch___ea baka ganun din ang maramdaman niya. JOKE! At yung cup cake ni Alexia na sobrang nakakabusog, at yung puff balls ni Ate Mits na dadalhin ka sa heaven at yung bread roll ni Joanna, k, bread roll. XD
Lakad all the way, pictures in between. Hahaha. Umulan pa.
Napagod? Hindi ah, umulan lang kasi ng malakas kaya umupo kami. Hindi namin alam meaning ng pagod, basta wag mo lang kaming papababain sa may Convergys para bumili ng drinks sa 7eleven. Bull crap! Nakalimutan naming bumili ng drinks! Sorry nalang, ako lang meron. Haha. Boy scout talaga ako kahit kailan. Nabubwisit kami at feeling namin hindi na titigil noon ang ulan. Pero walang gloomy day or gloomy place kapag nandiyan ang mga kaibigan mo.
Tutal tumigil na din naman kami, diyan na din namin hinintay ang natitirang member ng pamilya namin. I won't drop the name, haha. He's the one who changed us all. The one who initiated the change within us. The one who knotted the ties between us. Malaki ang utang na loob namin sa tao yun, so bakit hindi namin siya isasama? Siya ang ama ng group namin. Si Ama, Daddy, Tay, Itay, Dada, Papa, Tatang. Drama, oo, pero totoo naman kasi.
Listen to "Just Getting Started" by Stan Carrizosa, at malalaman mong hindi ko na kailangang maglagay ng caption dito. |
The Moves - created by Me! |
Natuwa ako nung ginawa namin ito. Ako kasi gumawa ng steps na yan. Mayakis moves. Actually madami pang steps, kaso super manyakis talaga, natutunan ko sa mga kibigan ko noong high school. Yang nasa picture, akin yang step na yan! Haha. Pwede na akong magturo sa Step Up! (LAST!)
OPPA GANGNAM STYLE! |
Ang ever favorite namin, GANGNAM STYLE! Natawa si Joanna kasi sumayaw bigla si Steele! Haha. Sana video nalang ito. Haha.
From Left to right = Cheese cup cake ni Alexia, bread roll ni Joanna, Spaghetti ko(Back) at puff balls ni ate Mits! |
And before we know it, it's time to go home....
Yung bata na kasama namin sa kaliwa ay si Eiden(dunno how to spell, so spell as you pronounce nalang ginawa ko.) Walang tigil sa daan si Celeste kasi. hahaha. Pati ba naman mga hindi namin kilala pinipicturan niya. Hindi ko na ipopost, baka mademanda pa ako. hahaha. Kung sino man sila, patawarin niyo sana si Celeste, di bale alam ko kung saan siya dumadaan. Hindi ko sasabihin sa inyo. (Sa Magsaysay!)
Loko talaga tong sina Mark at Steele! hahaha. Uy bihira gumanyan si Steele ah! Haha. Si Mark? Hmm... nothing new. Hahahahahaha.
Hazel yung camera andtio wala sa baba. |
Waky nalang ako lagi para hindi halatang natural lang pala sa mukha ko ang mukhang waky. hahaha. Nakakahiya naman sa mga kasama ko. hahaha.
Hazel, alam naming maliit si Celeste pero nasa harap mo siya, wala sa baba! Hahaha.
What more can I say? Tawa parin kami ng tawa sa daan, though hindi halata diyan sa isang picture. Haha. Medyo nagkikick in na ang pagod at lungkot na tapos na ang community duty at ang mga panahong makakasama namin si Ama. Oh well, kailangan eh, magbabakasyon na din naman na kasi, 3 weeks nalang sa school. Yung third week off pa namin. Lalabas kami, kaso may duty gamin si Ama kaya hindi makasama. Bisitahin nalang kaya namin?
Hoy Ate Mits, nakakatakot ka! Haha. Sakin pa talaga galing yun noh? |
Ayan Hazel, humarap ka na din sa wakas! Wait, parang dapat nauna ito kesa jan sa picture sa taas. Oh well, katamad mag-edit. hahaha. May Pasok pa ako kitdi mamaya hindi pa ako naliligo. Jeepers creepers naman si Ate Mits sa likod nina Hazel at Dengz. At yes hello Joanna? Baka gusto mong tumabi sa amin at huwag kaming gawing back ground?
Whoa - oh - oh -oh
It's always a good time! Hahaha. Wala kaming hiya sa daan! Okay lang, mga limang tao lang naman ang nakakakita kaya pwede yan! Haha. Ang nakakatuwa sa picture na ito, naisip lang itong gawin ng isa pumayag agad lahat. Si Ate Mits naman busy nagtitext. Hay naku. Parang hindi sila magkikita ng boy friend niya pag-uwi. Hahaha.
Lakad lang ng lakad, text parin ng text si Ate Mits. hahaha. Ganito ba hitsura namin sa community? Siyempre hindi, hindi kami naka-uniform oh. (LAST!)
Si Eiden, pinanggigigilan ng mga Pedo kong kaibigan. Hahaha. Mana sa nanay niya yan, I'll bet 50 pesos. Hahaha.
May kausap si Ama, sa business siguro kaya naghihintay kami diyan. Nasa likod si Ama hindi nakita. Haha. Sa tapat yan ng Convergys, nasa right namin yun. Yang nasa likod namin eh siyempre yung building sa tabi ng Convergys. Ay yung Starbucks pala ang nasa right namin, tapos next to that building is Convergys na!
We never though this day would end. Napakasaya ng araw na ito. Best day? No. We have a lot of good days, good times together na hindi na kami makapili which is the best and which is the worst. At isa pa, we have other responsibilities sa school which is by the way yung responsibility ko ngayon na magreview sa biochem at sagutan ang activity manuala y hindi ko ginawa. Hahaha. TAMAD na naman ako!
Ito yung pinakamahirap na part, you know why? Hindi na namin nakasabay si Amang umuwi at si Eiden. Ang bigat ngay sa dibdib na umalis at iwan sila. Magtataxi na sila pauwi. Kami jeep, kami'y pang masa lamang, hahaha. We're budgeted!
While writing this part, biglang tumugtog yung "High" by LightHouse Family which makes this part even sadder than it already is for me.
Kapag naaalala ko yung feeling, ganoon parin kabigat para sa akin. Half hearted akong umalis, at no hearted naman daw si Dengz, sakto sabi si Ama noon wala siyang puso! Hahaha. Siyempre biro ni ama yun. Nakay Christian Ang ang puso ni Dengz. hahahaha.
Hindi ko alam pano i-eend ang blog na ito. So hihiramin ko nalang yung caption ni Dengz sa album namin na hindi ko alam kung nag-eexist pa:
“We must remember that one determined person can make a significant difference, and that a small group of determined people can change the course of history.”
Ito ang grupo namin, pero mas kilala namin ito bilang PAMILYA. Nagkaka-unawaan, nagkakasunso, magkaka-ugali, nagtutulungan at nag-mamahalan. Ibang klase ang ingerdients ng Pamilyang ito. Kami'y WALANG KATULAD AT WALANG MAGIGING KATULAD! Walang problema sa relasyon namin sa isa't-isa. Nabago at nahubog kami ng bawat araw na kami'y magkakasama. Bawat minuto masaya, puno ng tawa. Saktan mo ang isa sa amin, buong grupo namin ipagtatanggol ang inaapi HAHA! LAHAT KAMI BULLY :D Pinag-uusapan agad ang hndi tama o hndi pagkaka-unawaan. Marami kaming natutunan at na-realize sa buhay. Bless na bless kami sa isa't-isa :) MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG BAWAT MYEMBRO NG PAMILYANG ITO HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN.(Mendoza, D. 2012)
0 comments:
Post a Comment