"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Monday, June 27, 2011

Hindi ko alam if hanggang kailan ako ganito

Hindi ko alam if hanggang kelan kami ganito. Oo, bumabalik na ang lahat sa dati. Napakasaya ko na kasi nag-uusap na kami kahit papaano. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ang kaisyahan ko?

I wished for a little conversation with her, God gave me more than what I've wished for. Parang panaginip lang lahat ng ito. If panaginip nga, sige, hindi na ako gigising pa. Ayoko nang bumangon. Pero kung kukunin ulit ni God ito sa akin, tatanggapin ko. Sobra kasi ito sa hiniling ko. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos na despite sa mga kasalanan ko, pinagbigyan pa rin niya ako.

Parang isang masamang panaginip nalang ang nangyari sa akin, o parang isang masayang panaginip naman ang nangyari sakin this weekend. Di ko alam if ano ang dapat kong gawin. Binabantayan ko nalang ang mga sinasabi ko, natatakot akong one wrong choice of word at babalik na naman kami sa pagiging strangers. Ayoko na ng ganun, nakakabaliw. Nakakapagod ang ganun. Kontento na ako sa ganito.

Saturday, June 25, 2011

Bakit ganun?

After ko ikwento ang 8 years na kwento ng puso ko kay Claisyl, nabasag ko yung test tube na nagcrack, siguro pinapaalala niya kung paano nagtapos ang kwento naming dalawa, kung gaano kadurog ang puso ko. Ang galing naman, so ironic. Gusto ko sana iuwi yung bubog, pero naisip ko, tama na yung durog na puso ang iuwi ko, wag nang samahan ng durog na test tube.

Sawing Pag-ibig

Sa Filipino class namin, gumawa kami ng poem, di naman actually poem ang kailangang gawin, mostly samin yun ang ginawa. Ito ang first poem ko.

Wala na akong magagawa
Sa sitwasyon nating dalawa
Hindi ko alam kung sinong dapat sisihin
O kung ano ang dapat sabihin

Ang oras ay nagbabago
Ganun din ang mga tao
Ngunit hindi magbabago ang tibok ng aking puso
Ang pag-ibig ko'y para lamang sa iyo

Kung nasaan ka man ngayon
Sana sa nakaraan ika'y lumingon
Ako ay naroon, naghihintay
Hinihintay ka para makasama sa habam buhay

Sa pagkagat ng dilim
Ako'y nagdarasal ng taimtim
Na sana bukas sa pagsikat ng araw
Pagkakaibigan(personal ver)/Pag-iibigan(Filipino ver) natin ay maibalik at magsilbing tanglaw