"There comes a certain point in life when you have to stop blaming other people for how you feel or the misfortunes in your life. You can't go through life obsessing about what might have been." - Hugh Jackman

Sunday, December 11, 2011

Okay Lang Ako

Gusto kong sumulat muli, isabay ang pag-ihip ng hangin at pagkampay ng pakpak ng paruparo sa hardin ang pagdaloy ng kaisipang nais lumawala sa isipang punung-puno ng iba’t ibang kaalamang may kaakibat ng emosyon.

Ilang taon na rin simula noong una kitang makilala. Nakaupo ka sa harapan ng silid aralan samantalang ako ay nakaupo sa bandang likuran. Bilang limang taong gulang, hindi ko naisip kung ano ang magiging parte mo sa buhay ko. May mga pagkakataong sumasagi sa isip ko na malaki ang magiging kaibahan ng buhay ko ngayon kung hindi kita nakilala. Pero paano ko pagsisisihan ang araw na nakilala kita kung iyon ang araw na nakilala ko ang babaeng minahal ko ng lubos.

Magkasama tayo halos araw-araw sa paaralan, magkasamang tumatawa, magkasalo sa bawat pagkain, magkasabwat sa bawat kalokohan, at pinagsasabihan ng mga sikreto. Napakasaya ng pagkabata ko, na-enjoy ko ang pagiging bata dahil naranasan ko halos lahat ng masasayang karanasan na dapat maranasan ng mga bata. Tumakbo, nagtago, naghabulan, at tumalon tayong magkasama, pero sa pagbagsak natin sa lupa, hindi ko inakalang sayo ang bagsak ko, nahulog agad ang puso ko para sa iyp.

Pero sa pagtungtong natin sa High School, nagkaboyfriend ka, at naiwan akong mag-isa. Napatunayan kong best friends lang tayo at hindi na aabot sa relasyong mas hihigit pa doon. Hindi mo lang alam kung paano ko pinipigilan ang pagsabok ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko kayo, hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan sa tuwing hawak niya ang mga kamay mo. Bakit hindi ako ang minahal mo? Bakit hindi ako na kilala mo na simula pagkabata? Bakit siya pa na nakilala mo lang sa kung saan? Sa tuwing nakikita ko ang mga titig sa akin ng mga kaibigan natin, alam kong may awa sa mga mata nila. Nagmahal ako ng babaeng hindi nararapat para sa akin, isang babaeng hanggang sa panaginip ko nalang mahahalikan.

Sa loob ng mga taong iyon na itinago ko ito, dumting din ako sap unto na kailangan kong sabihin sayo kung ano ka ba talaga sa buhay ko. Pero hindi ko inaakalang iyon pala ang sisira sa pagkakaibigang kay tagal kong inalagaan. Simula noong araw na yon, simula noong araw na sinabi ko sayo sa harap ng mga tao na mahal kita, hindi mo na ako tinitigan sa mga mata ko, hindi mo na ako pinadadalhan ng mensahe, hindi mo man lang ako makausap ng matino. Napakahirap kalimutan ang lahat, lalo na’t nagging parte ka ng halos buong buhay ako. Ang dami kong pinagdaanan para lang kalimutan ka.

Noong nagcollege na tayo, natutunan ko ding mabuhay nang wala ka, pero aaminin ko na napakahirap ng mga pinagdaanan ko, pero okay lang ako. Nabalitaan kong wala na kayo ng boyfriend mo, nagbakasakali akong baka pwedeng maging tayo naman. Pero makalipas ang ilang buwan, may bagong dumating sa buhay mo. Hindi ko nalang tatanungin kung sino siya sa buhay mo, baka hindi ko matanggap ang isasagot mo. Pero siguro, kung may maganda man siyang idinulot sa buhay natin, iyon ay simula noong nakilala mo siya, kinausap mo na ulit ako. Nakikita ko ang effort mong ibalik ang lahat sa dati. Pero natatakot  ako, baka bigla ka na naming umalis sa buhay ko at iwan akong nasasaktan. Masaya na ako sa ganito, andito ka man o wala, iniisip mo man ako o hindi. Okay na ako, humihinga pa naman at kahit ang daming benda at tahi ng puso ko, tumitibok pa naman siya. At kung sa kaling may magtanong sayo kung kumusta na ako, sabihin mo nalang na okay na ako.

0 comments:

Post a Comment