babala: ang inyong mababasa ay walang basehan. Kung hindi niyo gustong malaman ang kapalaran niyo kung hindi kayo magsisikap sa buhay, wag niyo nang ituloy. Pero kung gusto niyong makabasa ng walang kwentang propesiya, ituloy mo ang pagbabasa.
April 1, 2011, nagtapos ang kwento ko sa BN, at ganun din ang kwento ng aking ga kaibigan.
Nandito ako ngayon, naglalakad sa Bayambang, taong 2040. Maunlad, maraming malls, nagkalat ang mga pabrika at isinusulong na ang paglipat ng Malacanang dito, at binabalak na ring gawing Capital ng Pilipinas ang Bansa. Inumpisahan ito ng diktador na malala pa sa laha ng naging presidente sa mundo - si ELJESSON JOE BERDUL. Sa kasamaang palad, pinasabog ng mga rebelde ang kanyang sinasakyang eroplano, mga rebeldeng pinamumunuan ng kaibigan niyang si MARK NEIL BRAVO.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad, napakalinis ng bayan na ito. Tila kailan lang nang maglakad ako dito noong ako ay nasa high school pa, kasabay ang mga classmates ko. Pumasok ako sa loob ng town plaza, walang nagbago, maliban nalang sa mga halaman at side walk. Ang mga halaman ay hologram na lamang, at ang side walk ay kusa nang naglalakad. Iwas hassel sa mga tao at hardinero. Nakita ko sina JESILA GALSIM at GEENA DELA CRUZ, nakaupo sa tabi, namamalimos sa naluging businessman na si ERICK CAYABYAB na hindi magtatagal ay sasama na sa kanilang dalawa, o pwedeng kay Eljesson na siya sumama, bahala siya. Nandoon din sina JAHACIEL IGLESIAN, KAREN CAYTE VIRAY, at GE-ANN GARCIA, metro aids na sila.
Lumabas ako ng plaza, ano ang nangyari sa kanila? Laking gulat ko nang makita ko si CAROLYN PAYOMO, akala ko ay kumuha siya ng accountancy, pero bakit kubrador siya ngayon, hmm. Kasama niya rin si CHESKA LILYANA ESCANO, at tinitrain si ERICKA JILL REBMONTAN para maging kasama nila. Sa di kalayuan, may wanted posters ng mga carnaper, killers, kidnappers, at jay walkers. Nandoon sina RALPH REXON TAGULAO, MICHAEL ANGELO DIAZ, MINANDRO CARAGAN atLESTER AGPOON, sa ibaba nito, may naglalako ng kakanin, sina AMELIA SOLOMON at NOEMIE MANUEL. Peo may dumaan, ninakaw ang kakanin. Maliit siya at mahaba ang buhok. Hindi ako pwedeng magkamali, si CHING MONTOYA ito.
May nadaanan akong nagtitinda ng diyaryo, si BILLY JAKE DORO. Binuksan ko ang diyaryo at nakita sa headline ang article na isinulat ni CHARLEMAGNE SERAFICA, uy, journalist siya. Tinignan ko ang title ng diyaryo, "Tiktik" ang nakasulat. Nasa headline niya ang isang pagsabog sa isang bus station kung saan nandoon sina LAWRENCE CASINGAL, LIBERTY AQUINO, JEFFERLYN PEREZ at MARY JUSTIN ROSE DE VERA at KYRIE DAYRIT. Nadamay ang mga napadaang sina JHASMIN DATUIN, LORHINE JIL-ANNE REQUILMAN, MYSA CAMANAY, KATHERINE CAMANAY, MARY JOY ANASCO at CRISTINA BARROGO. Dinala ang mga naturang bangkay sa purinaryang pagmamay-ari ni SHEILA MAY EDUQUE.
Pumunta ako sa loob ng palenke, nandoon sina CLARISSA CAYABYAB na nakikipagsabunutan kayMAY GWEN ROLDAN na inagaw ang suking si JOHN ANDRAE ANTONIO na natakot kaya lumipat kay JAYMARK AUSTRIA. Kahit ako ay nagulat, gumulong sila sa putikan, mula sa pwesto nila sa gulayan hanggang sa meat section kung saan naroon at nagkikilo sina CHRISTIAN LESTER CAERLANG, JESUS CODIBAN, ARIEL JAY CHICO, at ABEDNIGO MAMARIL. Sa may labasan naman, kung saan may station ng bus kung saan driver si JOHN ANDRAE MACARAEG na isinasakay ang baldadong si JONEL PALAGANAS na nabaldado dahil natalo sa pusta sa paliga ng bayan sa kupunan nina LESTER GALAM at JOSE LOPEZ na kapwa dinaraya ang edad makapaglaro lang sa liga ng bayan.
Sa kabilang bus naman ay nagkasakayan sina RACHEL ASUNCION, PAULA JEAN BUGARIN, GRACE JOY AQUINO, ALMA GRACE AGBUYA at JIELLA-LYN AMBAT na kapwa nagpaparamihan ng anak. Nasa likod nila si MIAROSE CAYABYAB na namamasukan sa Maynila, sabay niya ang katrabahong si MARY JOY GROSPE, LUDUVINA DIAZ at MYLENE FERRER. Namamasukan sila sa asawa ng yumaong battered(tama ba ang spelling?) wife na si SHEILA ALYSSA JACALNE na namatay dahil hindi sinasadyang nakakain ng pagkain ng daga. Ang saklap. Yumaman naman siya ah? Bakit kailangan niyang gawing cornic ang pagkaing nakalaan sa daga?
Pumunta ako sa isang department store kung saan galit na galit na pinagagalitan ng manager na nagmenopause na bago pa makapag-asawa na si VERONICA PAAS ang sales ladies na sina DIVINA PERALTA, JASMIN VILLON at NOVA KRISANTA VALLO.
Ano na nga ba ang nangyari sa amin? Ang dami naming mga pangarap na hindi naman namin naabot? Nasaan na ang pangarap ng mga musmos na bata, na ngayong mga busabos na(may naalala ako dun na)? Nasaan na ang mga pangarap naming ninais naming abutin? Ang maginhawang buhay? Planong ipapatayong paaralang mga anak lang namin ang magkakaklase? Ang reuniong mapupuno ng iyakan? Pagsasamang walang hanggan? Bakit... bakit may kulang sa kanila? 59 lang ah... sinong nawawala?
Ah! Ako ang nawawala. Ano nga bang nangyari sa akin? Ah oo nga pala, naging writer ako. Hindi ng nobela kundi ng pambatang kwento. At isang araw, nasalvage ako. Tapos ang buhay ko.
Please, walang pikon.