Paano kung malimutan mo ang nakaraan, mga pangakong binitiwan at ang laman ng iyaong puso? Mapapalitan na kaya siya sa buhay mo?-Lance Vergara
Paano kung noong malimutan ka niya, nagmahal siya bigla ng iba? Handa ka bang sumugal para ikaw ay mahalin niyang muli? O susuko ka dahil mahal mo siya at gusto mo siyang lumigaya kahit kapalit nito'y habambuhay na pighati?-Nicole Alvarez-Vergara
Paano kung maayos na ang kasalukuyan at bigla kang balikan ng iyong nakaraan? tatalikuran mo ba ang ngayon para ayusin at muling harapin ang kahapon?-Charles Vallejo
Paano mo papanatiliing buo ang iyong pamilya, kung ang mahal mo'y nakaalala sa pag-ibig na limot na?-Kristine Cervantes-Vallejo.
Ngayong Disyembre, muling magbubukas ang kwentong pinagbuklod at iginuhit ng tadhana.. Sino ang pipiliin? Sino ang mamahalin? "Sino ang para kanino?" Par sa pusong wasak na, ang sagot ba ay ang dating pag-ibig o panibangong pagsisimula? Sa pagsasamang sinira ng panahon, pag-ibig nga ba ang sulusyon?
Ito ang kwento bago magtapos ang unang yugto...
Hear Over Matter 2